Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 




Dagat ng Kapaitan

“VROOM!”
“EEECKKK”
“BOOM”
“…..”
Katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang humihina na pag tibok ng aking puso, at palaban na hinga upang mabuhay. Chris… chris… pinipilit kong magsalita, ngunit hindi nabuka ang aking mga labi.
Dalawang taon noon, nung dismissal time na namin, kakalabas ko lang nang maramdaman ko ang patak ng ulan. Nainis ako kasi nakalimutan ko pa yung payong ko sa klasrum namin, at dahil sa aking katamaran, hinayaan ko na lang na mabasa ang aking sarili.  Datapwuat ako’y sinamang-palad, ako’y nadulas pa at ang aking mga gamit ay nahulog pa’t nabasa ng ulan. Ako’y napapasigaw sa galit dahil sa kamalasan na nararanasan ko ngayon, at unti-unting pinulot ang aking mga libro. Basang basa na ako, at ang malas nga naman, ubod pa ng init ang ulo ko sa mga panahon na iyon, nang mapansin ko na hindi ko na nararamdaman ang mga patak ng mabagsik na ulan. “Alam mo ba na tuwing pagkatapos ng ulan, nagkaka bahaghari, at nagkakaroon ng bagong simula…” Ako’y nagulat nang narinig ko ang boses na iyon… nang makita ko siya… Ayun, nandun siya, nakatitig sa aking mga mata, at sinagip ako sa karahasan ng ulan. Hindi ko alam kung nanlaki ba talaga yung mga mata ko, o napanganga ako, basta ang alam ko lang… ang napapansin ko lang, ay siya. Hindi ko alam na may tao palang ganito ka-gwapo. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay, at ibinigay sa akin ang payong. Nagtititigan lang kami, nang bigla siyang ngumiti sa akin at lumayo… palayo ng palayo… “Ay! Ibabalik ko ito sa ‘yo sa muli nating pagkikita!”

Dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat, at mabilis ang pagkatakbo ng aking puso. Ayaw mawala sa isip ko ang kanyang mukha. Paulit-ulit lang ang mga nangyari kanina sa ulo ko, nang makarating ako sa kanyang dorm. Ako’y pumasok sa aking dorm, at aking nakita ang isang taong di ko kilala. Namangha ako sa kanyang kagandahan, at lumiit ang aking lakas ng loob. “You’re Mara, right?”

Sus, nag ingles pa siya. Ako’y ngumiti sa kanya, at aking sinabi, “Ah, oo! Ano nga pala pangalan mo?” Kanyang isinuklay ang kanyang mahabang buhok, at nagbigay ng isang magandang ngiti. “Mmm… I’m Audrey. Sige, eto ang mga rules ko ah. Hindi tayo mag uusap kapag lumabas na sa kwarto na ito. Ang pagkakaibigan o paguusap natin ay sikreto lang ah.” Hindi na ako nagulat sa taong katulad niya. Tutal, sanay na naman din ako. At tiyaka, wala naman talagang perpektong tao. Marahil maganda nga siya, ngunit sa nakikita ko ngayon, mukhang pangit ang kanyang kalooban.

Pinagmamasdan ko lang ang aking mga kaklase sa may bandang sulok ng klasrum. Ako’y nagdadasal n asana hindi ako tawagin ng aming guro upang ipakilala ang aking sarili sa harapan ng klase. Hindi pa naman ako magaling sa mga ganun. Walang pumapansin sa akin, siyempre, bakit nga naman nila ako papansinin? Eh, wala naman espesyal sa akin. At saka, bagong estudyante pa lamang ako dito. Biglang tumahimik ang klase nang pumasok ang aming guro. “Magandang umaga!” yaong kanyang wika. “Magandang umaga din!” sagot naman namin. “O sige, kunin ninyo ang inyong mga libro, at basahin ang pahina 87-93.” Ang kanyang utos, at sumunod nga naman talaga ang HALOS lahat ng klase.
Nasa kalahati na ako ng aking pagababasa, nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan, at patakbong pumasok siya sa loob ng klase. “Mukhang hindi maganda ang ating unang kakintalan Mr…?” Hindi ako makahinga. Siya yung lalaki na nagbigay sa akin ng payong kagabi! Hindi talaga ako makapaniwala na kaklase ko siya. Tama nga ang sabi nila; kapag may masamang nangyari, may kapalit din itong maganda. “Uh, just call me Chris… sir” Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sana makatabi ko siya… Pero mukhang imposible. Ang dami pang mga natitirang upuan. Bakit naman niya pipiliin na umupa sa pinaka sulok ng klasrum? Pero muli nanaman akong nagulat nung tumingin siya sa mata ko, at ngumiti. “Hay naku, maupo ka na diyan… Chris” Tumingin nanaman si Chris sa akin, at lumalapit sa aking pwesto. Nagulat na lang ako na katabi ko na siya! Oh God, tumutulo yata laway ko eh. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko; sa tingin ko nakita niya yun kasi bigla siyang natawa. “Don’t worry, konti lang naman tumulo” ang kanyang batid. Kung sa ibang tao yata yun, nainis na ako. Pero nung sinabi niya, sa laking gulat ko pa, natawa ako. “Kapal mo din noh. Ako nga pala si Mara.”  
“Mara? Okay ah. Alam mo ba yung ibig sabihin ng name mo?” kanyang itinanong sa akin. Ako’y napaisip, at wala ako sa kanyang masabi. “Wala eh… wala akong maisip…” siya’y nagpakita ng isang napakalaking ngisi, “Dagat ng Kapaitan…” ako’y medyo nainis, dahil inaasahan ko na maganda ang sasabihin niya. Hay naku, buhay nga naman talaga diba? Napaka unpredictable. “Ano ba yan! Ang panget naman ng ibig sabihin ng pangalan ko…” Tumawa siya ng malakas, pero ito’y agad naputol nang umubo siya ng napakalakas din. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko pa naman siya masyado kilala, pero ubod akong nag-alala. “Hala… parang feeling ko na ako yung may kasalanan kung bakit may ubo ka…oh my god… im so sorry !!”
“Hindi… cough, cough… eh di kung hindi ko naman… cough, cough… binigay sayo… cough, cough… ikaw may ubo… mas okay na toh noh…” ang kanyang sagot. Napatanga ako, kasi kahit hindi kami masyado magkakilala, may pake pa rin siya sa akin. “Mr. Daleon! You’re distracting the class. Kung may sakit ka, pumunta ka na lang sa clinic! Someone accompany him” Nagtaas kaagad ako ng kamay, “Ako na po” yaong aking sinabi.   
Pagkalipas ng isang taon, naging matalik na magkaibigan na kami. Sabi-sabi pa nga ng iba na kami na, dahil palagi kaming magkadikit. Hindi naman naming maiwasan kasi eh. Parang kasi kapag hindi kami magkasama, hindi completo araw ko. At sa tagal namin na magkasama, sa dami ng aming mga pinagdaanan, nahulog ako sa kanya. Hindi ko naman sinasadya, hindi ko naman inaasahan. Pero sino nga naman ang hindi mahuhulog sa katulad niya? Subalit, hindi ko alam kung ibinabalik niya ang nararamdaman ko. Pero, sa tingin ko malabo. Nakakagulat na nga na naging matalik na magkaibigan kami, sus, eh paano pa kaya kung nahulog din siya? Nakakatawa yata tignan yun ah. Pero kung hindi nga talaga niya nararamdaman ang nararamdaman ko, okay lang sa akin. Hindi naman ako humihiling ng sobra-sobra. Tama na itong pagiging pagkakaibigan naming. Napaka baduy man pakinggan, isa siya sa pinaka magandang biyaya na bigay ng diyos sa akin. At tatanggapin ko ang kahit ano mang kaya niyang ibigay, basta makasama ko siya.
Hindi na ako makahinga! Di ba niya alam na hindi ako maka concentrate sa movie kung tingin siya ng tingin sa akin. Hindi ba niya alam na nakakailang yun! “Ano ba! May dumi ba ako sa mukha? Ba’t tingin ka ng tingin” biglang natawa si Audrey sa tabi ko, at kanyang sinabi “Natatawa daw kasi siya sa itsura ng face mo eh…” Kung sa ibang tao, siguro iisipin niyo na isa lamang itong biro. Ngunit kay Audrey, totoo ang lahat na iyon. Kahit hindi man kami masyadong close, parang sampal pa rin toh sa mukha ko. Kahit naman papaano, itinuri ko siya bilang isa sa aking mga kaibigan. “Umayos ka nga! Feeling mo naman ang ganda mo. Kaya ako na tingin sa kanya kasi may gusto ako sa kanya!” Pagkagulat. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Bumilis ang pagkatibok ng aking puso, at ang hangin sa kwarto ay parang unti-unting nahihigop. Tama ba ang narinig ko? May gusto siya sa akin? O isa lamang ba ito sa mga panaginip ko?
Pagkatakot. Yun ang nakikita kong reaksyon ni Chris. Nanlaki ang kanyang mga mata, at nanigas ang buong katawan. Nanginginig ang kanyang mga kamay at labi, at ang kanyang mukha ay namutla. “Mara… I… uhm…” kanyang isinasabi. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang aking ngiti, at kung umiiyak ba ako sa sobrang saya, ang alam ko lang, niyakap ko siya ng mahigpit, at sa kanya ay aking ibinulong “Hindi ko alam kung paano ko sa ‘yo masasabi kung gaano kita ka mahal…”
Pagkatuwa… ginhawa… at ang pinaka importante sa lahat… pagmamahal ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Riiing… riiing… riing… Tatayo na sana si Audrey upang sagutin ang telepono, pero pinigilan ko siya. “Hindi, ako na.” sumimangot naman itong si Chris. “Ha? Hayaan mo na siya… dito ka lang… sa tabi ko…” sa tingin ay nirahuyuin niya ako. Napangiti lamang ako, at nilabas ang aking dila na parang isang bata. Siya’y natawa sa aking pag-uugali at kanyang sinabi “Bilisan mo ah… bumalik ka kaagad sa ‘kin…”
“Alam mo, d mo ko makukuha sa mga salita mo na yan…” nagsasalita pa lamang siya, ay tumakbo na ako paalis upang sagutin ang telepono. Ang huli kong narinig sa kanya ay, “Pero ako ka na nga, dba?...” Sumosobra  na ang mga emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko kaya ang lahat ng ito sa isang upuan lamang. Kaya, kelangan ko muna makaalis… makahinga ng kahit ilang saglit.
Riiing…. Riiing… riiing…
“Hello?”
“Hello. Pwede po kay Jace?”
“Ay, anong number po tinatawagan niyo?”
“820-34-30 po.”
“Ay wrong number po.”
Ito na ang pinakamasayang araw para sa akin. Na malaman ko na binabalik din pala ni Chris ang nararamdaman ko sa kanya. Na espesyal na tao ako sa buhay niya. Kahit wala akong tiwala sa aking sarili, kapag kasama ko siya, nararamdaman ko na isa akong espesyal at magandang babae. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong maganda, kung paano nangyari ang lahat ng ito, pero nagpapasalamat ako sa diyos.
Ako’y nanlumot nang mamasdan ko ang nakahahambal na pangyayari. Kung akala ko na buo ang kaluluwa ko, ibinabawi ko na iyon. Para akong pinatay at sinusunog sa impyerno. Subalit, mas matindi pa ang nararamdaman ko. Ano ito? Isang lokohan? Pinagplano ba nila ito? Isa ba itong uri ng libangan para sa kanila?
Ako’y napaluhod sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ng puso kong ito. “A… ano… ano toh?”
Pagkamunhi. Isa siyang demonyita na pinapunta dito sa mundo ko upang pahirapan ako. Ilang saglit pa’y nagkaharap kaming dalawa’y sa puso’y may poot. Ang lakas pa ng loob niyang magpakita ng ngiti.
Nakita ko ang hapdi ng nararamdaman ni Chris. Pero kasalanan din niya ito. Hindi ko na ito kaya. Sumusobra na sila. Masyado na ito… ako’y lumisan ng palayo sa kanila, patungo sa labas ng unibersidad. Kinuha ko ang aking payong, sapagkat uaatake nanaman ang mabangis na ulan. Siguro nakikiramay ang mga anghel sa langit sa akin. Kaya’t umuulan ng malakas… tumatakbo… palo ng palayo… hingal ng hingal…
“Mara!! Mara!! Nasaan ka ba!! Please!! Kelangan kita!!”  yaong kanyang iyak. Hindi ko ba alam kung bakit… hindi ko alam kung bakit hindi pa ako nadala… ang alam ko lang, napatigil ako sa aking pagtatakbo. At sa pangyayayaring iyo’y, nakita ko siya sa malayuan pa lamang, sa lugar kung saan una kaming nagkita. Subalit, siya’y hindi nadapa, kundi nagluluksa. Nakaupo sa isang bench… mukhang hindi na makahinga sa lakas ng daloy ng kanyang pag-iyak.
Siya’y nilapitan ko, at sinagip ang kanyang basing-basang katawan sa bagsik ng pag-ulan. “May tiwala ako sa ‘yo.”

“VROOM!”
“EEECKKK”
“BOOM”
“…..”
Katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang humihina na pag tibok ng aking puso, at palaban na hinga upang mabuhay. Chris… chris… pinipilit kong magsalita, ngunit hindi nabuka ang aking mga labi.
Kadiliman. Wala akong ibang makita kundi ang kadiliman. Chris… chris… pilit kong idilat ang aking mga mata upang makita kung nabubuhay pa ang aking minamahal… ngunit wala ni katiting ng ilaw ang aking nakikita. Hindi ko maintindihan… sa tingin ko… hindi, alam ko, na nakadilat ako. Ang huli ko lang na naaalala, ang magandang tinig ng pagtawa ni Chris, at ang kanyang mukha na punong-puno ng pagmamahal.
May bigla akong narinig na ingay… mukhang maraming mga tao na nagkakagulo… ano ba ang nangyari? Nasaan ba si Chris…?
“Tulungan niyo sila!”
“May buhay pa! May buhay pa”
“Babae! Babae!”
“Yung kasama niya??”
“Patay na… bilis, tulungan niyo na…”
hanggang dun lang ang naintindihan ka… patay na… patay na… patay na siya…
©2009 ~loiseblues
:iconloiseblues:

Author's Comments

My Filipino Homework. I love it. A lot of typos though. Wrote tha with a friend one night. Sorry for the candid picture. I dont have anything to post. Haha. Read the story... Its nice! But its in filipino. I'll translate it one day.

Comments


love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0
:iconnichproductions:
You never told me it's in tagalog! D:

HOMEWORK? We need to write a story for Filipino?!

--
:heart:Isn't it funny how day by day, nothing changes;
but when you look back, everything's different? :heart:
:iconloiseblues:
Dude... Thats second year pa! Haha. What do you think of the story?

--
:lmao:
laugh with me
:iconchichayandgucci:
omg, i dont want to read.. :)) but i like the drawing.. :XD:

--
strangers have the best candy..
:iconedimmu:
"Oh God, tumutulo yata laway ko eh. "
Hahaha! wow, that was funny

--
We artists definitely think along the same lines.
:iconloiseblues:
Haha! You read it?! Hahaha...:D

--
:lmao:
laugh with me
:iconloiseblues:
No problem. But the story is really nice:D Haha:XD:

--
:lmao:
laugh with me
:iconedimmu:
i did : ))

--
We artists definitely think along the same lines.
:iconloiseblues:
WOOT!

--
:lmao:
laugh with me

Details

July 1
12.9 KB
75.4 KB
600×669

Statistics

8
1 [who?]
84 (0 today)
0 (0 today)

Site Map